Text

Eat.Pray.Smile.Love.Laugh.Live.Dance.

Monday, May 16, 2011

Dahil Wala Pa Akong Tulog, Naitono Na Ang Gitara Ko (A blog in Filipino)

Dahil Wala Pa Akong Tulog, Naitono Na Ang Gitara Ko

Around 530am...

Di ako makatulog, kaya nag-ayos ako ng gamit. Napag-isip-isipan kong maglagay ng ilang palamuti sa dingding na "akin" -  "akin" na may kuwit, dahil ito yung parte ng kwarto namin na pinakamalapit sa aking kama, kaya't siguro, matatawag ko na rin itong sarili kong kwarto. Sa iisang kwarto lang kami natutulog ng aming pamilya. Kaya't nang matulog na ulit ako sa sarili kong kama (ang pang-itaas na kama ng isang "double-deck bed"), na dati'y ginawa kong tambakan ng gamit kaya hindi ko nahihigaan, sinipag na siguro akong mag-ayos ng gamit kahit papaano.

Nahalukay ko pa sa aking mga gamit ang dati kong "sketch pad" kung saan pinupunit ko ang aking mga obra maestra (kuno) para ipasa sa Arts class noong ako'y nasa ika-apat na taon sa mataas na paaralan. Ilang araw na rin akong nakakahanap ng mga kung anu-anong mga drowing ko noong ako'y bata pa. Nakalimutan ko na ring mahilig pala ako gumuhit at kung gaano ako kasaya sa pagpapakita ng mga drowing ko sa aking ina kapag may natatapos na ako. Naengganyo tuloy akong gumuhit muli!

Around 730am...

Pagkatapos nun, di pa rin ako makatulog, kaya sinubukan kong magtono ng gitara (kahit alam kong di ako talaga marunong).  Sa totoo lang, wala talaga akong tiwala sa sarili ko pagdating sa pagtotono ng gitara. Sinubukan ko na ring manood ng mga "tutorials" para sa pagtotono ng gitara sa Youtube ngunit tila wala talaga akong talento rito. Matapos ang ilang minuto ng pagpihit, di ako makapaniwalang medyo natono ko na sya. Sinubukan ko lang tugtugin ang mga piyesang alam ko na may mga "plucking" at tunugan ang kung ano mang tunog ang nagagawa ng bawat "string." Ilan sa mga kantang ginamit ko para i-test kung nasa tono na nga ay Ikaw Lamang ng Silent Sanctuary, A Bizaare Loves Triangle (o kung anumang titulo ng kantang iyon), Gitara ng Parokya Ni Edgar, More Than Words, Hallelujah ng Bamboo, atbp.

Hindi ko alam kung kulang lang talaga ako sa tulog at sa pananaw ko'y medyo nasa tono na ang gitara ko, o mayroon lang talagang mahiwagang diwata ng musika ang sumanib sa akin. Basta kapag tinutugtog ko na iyong mga piyesa, halos nasa tono na. Siyempre may natutunugan pa rin akong mali (na sa palagay ko'y fourth string) ngunit halos hindi na ito pansin.

Ang saya ko lang siyempre (at nag-online pa talaga ang lola mo para lang maibahagi ang kasiyahan)! Seryoso. Ito lang ang dahilan kung bakit nag-online pa ako ng ganito kaaga. Dati ko pang sinusubukang magtono ng gitara e! Siyempre masaya ako! Masaya ako.

_______________________________________________________________________________________

Nahiwagaan naman ako sa nagagawa ng walang magawa at di makatulog sa isang tao.

Sa totoo lang, iti-tweet ko dapat ito, kaso limitado ang mga salitang pwede kong ibahagi doon. Sinubukan ko namang gawing status sa Peysbuk, ngunit napusuan ko siguro talagang gumawa ng Note. Napuna nyo rin sigurong nasa wikang Filipino ito. Napansin ko lang kasi, lagi nalang ako nagsusulat sa wikang Ingles, kaya't para maiba naman, ito na ang ginamit kong wika. Dadag na rin pala sa rason, sa di maipaliwanag na dahilan, ay ang pagpasok ng mga salita sa wikang Filipino sa isip ko. "Feel ko lang syang i-blog sa Filipino e. Bat ba?" 

Siguro BLOG nga ang tawag dito. Ako na ang gumaya kay @Faye Cosue. :))
Pagpasensyahan nyo na kung maguluhan kayo sa ibang parte ng blog na ito. Sabi ko nga, wala pa talag akong tulog.

Tuesday, May 10, 2011

A part of a song I just thought of around 3 minutes ago


Our timing is incredible
Our connection is undeniable
This couldnt be more perfect and Id have to say,
you really broke my heart that day

Now, our timing was incredible
Our connection was undeniable
It couldnt be more perfect but I... I did say,
you really broke my heart that day

So that is a part of my song :) The rhythm pretty much came with the lyrics. I dont know why I suddenly thought of making this into a song, but I do hope I get to pair the lyrics up with chords so I can play it on YouTube soon. I also wish to finish it soon. I did say that this was just a part of my song. Teehee!


Im not gushing, nor am I mourning about getting my heart broken. I just see those moments as opportunities for more lessons to learn and more inspiration for things - in this case, a song - like this one. I simply (yes, it is THAT simple lol) accept, forget, and move on. :) I just still dont get why these guys keep on wanting a lot of women, when we only want one guy... which would be Johnny Depp. LOLJK

I hope the people who read this (if there are any) liked the song. =)

Sunday, May 8, 2011

My supposedly Status in Facebook

So this is one of those blogs wherein something weird (whatever you wanna call it) happens, and I just wanted to tell someone, but sadly, cant... not 'cause I am friendless (even I am not that alone) but because as it turns out, everyone I know I can tell my stories to is still asleep since it is 6:52 o'clock in the morning, and I just so happened to be an insomniac who obviously still couldnt sleep. (That was a looooooong sentence. Teehee)

I was supposed to post this on Facebook account as my status (and I did) but I decided to erase it when I had realized that I just sounded stupid. Here it is...
"I click on "Top News" and your name just so happens to randomly pop out on top of the list, even though NO ONE has really commented or liked your post and this post of yours was around 12345678910 hours ago. How is that even possible? It's called "Top News" for a reason. I mean... come on! Really, Facebook? Really?! And you do this to me, why?-Overreacting, yes."

So there you have it! That pretty much explains what happened to me. After contemplating (that has become one of my "favorite" words now) on the effect of what happened to my life, I realized that it really has no significant effect on me so to speak. I just found it strange that I was in a bad situation (which I put myself into and really do not want to go into details about) then something like THIS happens. I overreacted a little bit, yes; but come to think of it... what did I really get from it? *This would be the point when I'd laugh at myself for being this weird* Teehee!

Anyway, I hope I could do more blogs like this - just narrating what happened to me and inserting my insights. I'd have to say, I do find my insights interesting (of course, they're MY insights lol) and unlikely sometimes. I'd like to believe they're worth sharing. This, event that I have just narrated, however, is pointless. I just had to blurt it out on someone/something. I am planning on making video blogs though, which I hope will  be more interesting than this.

Cheerio!